MANILA, Philippines - Arestado ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP Ilocos ang isang magtiyo na nakumpiskahan ng P6.5 milyong halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Tagudin, Ilocos Sur.
Kinilala ang mga suspek na sina Antonio Ugay, Jr., 37-anyos at Genarro Talino, 69-anyos, pawang taga QC.
Sa ulat, bago naaresto ang mga suspek ay may tatlong buwan na tiniktikan ng PDEA operatives ang magtiyuhin nang malaman ng mga ito na supplier ng shabu sa La Union, Pangasinan at sa Baguio City.
Nagkakahalaga umano ng P7,000 hanggang P10,000 ang presyo ng kada kilo ang naibebentang shabu ng magtiyo.
Bukod sa shabu ay nakuha din sa mga suspek ang isang M-16 armalite rifle.- Angie dela Cruz-