Kawani ng DPWH itinumba

MANILA, Philippines - Isang driver ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office na si Philip Yonting, 39 ang binaril at napatay ng hindi pa nakila­lang armadong salarin sa Brgy. Galas, Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Sa ulat, dakong alas-6:15 ng umaga malapit sa Brgy. Hall ay kasalukuyang nililinis ng biktima ang Isuzu Fuego (WCX 621 )  na nakaparada sa tabi ng kalsada malapit sa kanilang staff house sa naturang lugar nang  sumulpot ang suspek at barilin ang biktima ng malapitan sa ulo.

Show comments