Kawani ng DPWH itinumba
MANILA, Philippines - Isang driver ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office na si Philip Yonting, 39 ang binaril at napatay ng hindi pa nakilalang armadong salarin sa Brgy. Galas, Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakalawa.
Sa ulat, dakong alas-6:15 ng umaga malapit sa Brgy. Hall ay kasalukuyang nililinis ng biktima ang Isuzu Fuego (WCX 621 ) na nakaparada sa tabi ng kalsada malapit sa kanilang staff house sa naturang lugar nang sumulpot ang suspek at barilin ang biktima ng malapitan sa ulo.
- Latest