Inuman niratrat: 3 todas

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang masayang pag-iinuman ng tatlong kalalakihan matapos na sila ay pagbabarilin ng apat na kalalakihan na nakamaskara kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rey Caye­tano, 35, barbero; Aiko Escarda, 23; at Jomar Andaya, pawang mga residente ng Brgy. 176, Bagong Silang, ng lungsod.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Ogie Laderas, 23; Bobby Sarmiento, 23; at Jerome Tenson, 23.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay nag-iinuman ang mga biktima sa gilid ng kalsada sa may Phase 4B, Package 8, Block 89, Lot 31, Bagong Silang nang dumating ang apat na suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.

Nang bumulagta ang tatlong biktima ay tumakas ang mga suspek sakay ng mga motorsiklo na walang plaka.

Iimbestigahan ang background ng mga nasawi upang sa ganoon ay makakuha ng lead ang pulisya sa   motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek.

 

Show comments