^

Police Metro

2 patay sa insidente ng akyat-bahay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang katao ang nasawi at dalawa rin ang nasugatan sa insidente ng akyat-bahay kahapon ng umaga sa Don Manuel St., Sto. Domingo, Quezon City.

Kinilala ang nasa­wing barangay tanod na si Salvador Nagtalon, 63, miyembro ng Barangay Public Safety Officer ng Brgy. Sto. Domingo sa lungsod at ang suspek na miyembro ng akyat bahay na inilarawan sa pagitan ng edad 20-35, may taas na 5’7”, at may kapayatan ang pangangatawan.

Nasugatan naman ang mga tanod na sina Ambrocio Dalangin at Tercy Parocho na ginagamot ngayon sa Jose Reyes Memorial Hospital.

Habang nadakip naman ang isang suspek na kinilalang si Freddie Rey, 29.

Sa salaysay ng biktimang si Yu Siue Suy, 83, dakong alas-5:45 ng umaga habang siya ay nagwawalis sa garahe ng Southern Fragrance Temple na matatagpuan sa no. 169 Don Manuel Agregado St., Brgy. Sto.Domingo nang pwersahan silang pasukin ng tatlong suspek at  itinali at binusalan siya at ang misis niyang si Adoracion Tan, 71 at anak na si Patricia Anne Yu, 31.

Matapos limasin ang ilang gadget at pera ng mag-anak, naghugas pa anya ng paa sa banyo ang isa sa mga suspek na pawang armado ng baril.
Doon na nakakuha ng pagkakataon ang pamilya para makatawag ng mga barangay tanod na agad namang nakaresponde.

Napatay sa ikala­wang palapag ng bahay ang tanod na si Nagtalon habang sugatan ang da­lawa niyang kasama nang sila ay pagbabarilin ng mga suspek.

Nagkahabulan naman ang mga rumes­pondeng pulis at mga suspek at napatay ang isa sa mga akyat-bahay nang makorner sa banyo nang isang pinagtaguang bahay sa bahagi na ng Maria Clara Street na pag-aari pala ng isang pulis.

Arestado naman ang isa pang suspek sa La Loma habang nakatakas ang isa pa.

Patuloy ang imbestigasyon at hinala ng mga biktima na kasabwat ang isa sa kanilang tauhan ng mga suspek.

ADORACION TAN

AMBROCIO DALANGIN

BARANGAY PUBLIC SAFETY OFFICER

BRGY

DOMINGO

DON MANUEL AGREGADO ST.

STO

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with