^

Police Metro

Trillanes hiniling kay P-Noy na lagdaan ang benepisyo sa mga beterano

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hiniling ni Senador Antonio Trillanes IV kay Pangulong Benigno Aquino III na kaagad lagdaan ang panukalang batas na magdadagdag sa burial assistance ng mga beterano mula P10,000 sa P20,000 matapos pumasa sa ikatlong pagdinig ng Senado.

Ayon kay Trillanes, chairman ng Senate committee on national defense and security, inendorso niya ang House Bill 694 sa ilalim ng Committee Report 57 bilang pagkilala sa makabayang paglilingkod ng mga beterano sa mga panahon ng digmaan at kapayapaan.

Naunang ipinasa sa ikatlong pagbasa ng House of Representatives ang HB 694 na magdadagdag sa burial assistance ng mga beterano mula P10,000 sa P20,000 sa pagsisikap ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa ilalim ni Administrator Ernesto Carolina at ng mga opisyal ng Department of National Defense (DND) na nagsidalo sa mga pagdinig.

Malaki anya ang naitulong ng mga taga-PVAO at taga-DND  para mabilis na makapasa sa Senado ang HB 694 sa kanilang paliwanag na ang burial assistance ng mga beterano ay huling dinagdagan may 20 taon na ang nakararaan sa ilalim ng Republic Act 7697 (An Act Standardizing and Upgrading the Benefits for Military Veterans and their Dependents).

ADMINISTRATOR ERNESTO CAROLINA

AN ACT STANDARDIZING AND UPGRADING THE BENEFITS

COMMITTEE REPORT

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

HOUSE BILL

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MILITARY VETERANS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE VETERANS AFFAIRS OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with