^

Police Metro

Sandigan justice na konektado kay Janet, pinatalsik

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinanggal na  sa pwesto ng Korte Supreme si Sandiganbayan Asso­ciate Justice Gregory Ong na itinuturong konektado sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Sa botong 8-5,  guilty sa gross misconduct, dishonesty at impropriety si Ong, habang dalawa  naman ang nag-inhibit sa deliberasyon. 

Kasabay ng pagkatanggal sa puwesto, aa­lisan din si Ong ng lahat ng retirement benefit.
Bago pa sumambulat ang multi-bilyong pork barrel scam, kinasuhan na si Napoles sa Sandiganbayan matapos umanong tumanggap ng kickback sa pagbili ng helmet para sa Philippine Marines. 
Subalit, inabsuwelto ni Ong na chairman ng  anti-graft court’s  Fourth Division  ng  Sandiganbayan noong 2010  si Napoles sa kasong malversation bunsod ng umano’y maano­malyang transaksyon  sa pagbili ng 500 Kevlar helmets noong 1998. 

Ipinag-utos ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno noong nakalipas na taon ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban kay Ong matapos ilang beses mabanggit ang pa­ngalan nito sa pagharap ng mga whistleblower na sina Benhur Luy at Merlina Suñas sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa pork barrel scam.

 Sinabi ni Suñas  na binisita ni  Ong si Napoles  sa opisina nito  sa Discovery Suites  sa  Pasig City.

BENHUR LUY

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

DISCOVERY SUITES

FOURTH DIVISION

JANET LIM-NAPOLES

JUSTICE GREGORY ONG

NAPOLES

ONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with