NPD pabor sa lifestyle check

MANILA, Philippines - Upang mapatunayan na walang itinatagong ari-arian na galing sa iligal makaraang ipag-utos ng Department of the Interior and Local Govern­ment ay tinanggap ng Northern Police District (NPD) ang hamon na “lifestyle check”.

Sa kauna-unahang Peace and Order Summit na ginanap sa Valenzuela City, naniniwala si NPD Director, Chief Supt. Edgar Layon, na sa pamamagitan ng lifestyle check, makikita kung mas malaki ang halaga ng perang ginagastos ng mga pulis kaysa sa kanilang aktuwal na kinikita ng legal.

Samantala sa nasabing pagtitipon ay dumalo si Valenzuela 1st District Rep. Sherwin Gatchalian na nag-atas kay Valen­zuela Police chief, Sr. Supt. Rhoderick Armamento na madaliin ang imbestigasyon sa mga pulis niyang nahaharap sa iba’t ibang kaso at isumbong ng katiwalian at huwag haya­ang makalipat sa ibang sangay ng PNP ang mga pulis na mapapatunayang nagkasala.

Inihalintulad nito ang mga tiwaling pulis na kanser na kung ililipat lang sa ibang parte ng PNP ay lalo pang kakalat.

 

Show comments