MANILA, Philippines - Hindi na naman matutuloy ang imbestigasyon ng Senado sa kontrobersiyal na Malampaya fund scam na itinakda ng Senate Blue Ribbon Committee sa Setyembre 25.
Ayon kay committee chairman Sen. Teofisto Guingona III, na ipinagpaliban nila ang imbestigasyon dahil sumulat si Commission on Audit (COA) chairperson Grace Pulido-Tan sa kanyang tanggapan na hindi makakadalo sa nabanggit na araw ng pagdinig dahil nataon ito sa kanyang leave habang nasa official mission si COA special audit chief Susan Garcia.
Nilinaw naman ni Guingona na walang kinalaman ang pagpaliban ng pagdinig sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sub-committee na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel sa kontrobersiyal na isyu ng korapsyon sa Makati City na kinasasangkutan ni Vice President Jejomar Binay.
Sangkot sa Malampaya fund scam ang umano’y bogus na NGOs ni Janet Lim-Napoles.