MANILA, Philippines - Patuloy ang pagluwa ng lava mula sa bunganga ng bulkang Mayon sa Albay na siyang nakikitang nagliliwanag tuwing gabi na umaabot na sa dalawang kilometro.
Sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismology, (Phivolcs) nakapagtala ang bulkan ng 142 volcanic earthquakes at 251 rockfall events sa nakalipas na 24 oras.
Umaabot naman sa 757 tonelada ng asupre kada araw ang nailuluwa ng naturang bulkan mula sa dating 2,360 tonelada noong nakaraang linggo.
Inulat din ng Phivolcs na hirap ang kanilang mga tauhan na subaybayan ang crater ng bulkan bunga ng makakapal na ulap doon na dulot naman ng bagyong Mario na nananalasa na rin sa Bicol bukod pa sa mismong usok na mula sa bunganga ng bulkan at inaasahang magkakaroon ng pagsabog ngayong linggo o sa susunod pa.
Sinasabing sa kasalukuyan ay nailikas na sa mas ligtas na lugar ang mga residenteng nakatira sa paligid ng bulkan bunga ng Patuloy na nasa ilalim ng alert level 3 ang bulkan at bawal pa rin na lumapit ang sinuman sa loob ng 6 na kilometrong permanent danger zone sa paligid ng bulkang Mayon.