^

Police Metro

Pagluwa ng lava ng bulkang Mayon patuloy

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagluwa ng lava mula sa bunganga ng bulkang Mayon sa Albay na siyang nakikitang nagliliwanag tuwing gabi na umaabot na sa dalawang kilometro.

Sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismology, (Phivolcs) nakapagtala ang bulkan ng 142 volcanic earthquakes at 251 rockfall events sa nakalipas na 24 oras.

Umaabot naman sa  757 tonelada ng asupre kada araw ang nailuluwa ng naturang bulkan mula sa dating 2,360 tonelada noong nakaraang linggo.

Inulat din ng Phivolcs na hirap ang kanilang mga tauhan na subaybayan ang crater ng bulkan bunga ng makakapal na ulap doon na dulot naman ng bagyong Mario na nananalasa na rin sa Bicol bukod pa sa mismong usok na mula sa bunganga ng bulkan at inaasahang magkakaroon ng pagsabog ngayong linggo o sa susunod pa.

Sinasabing sa kasalukuyan ay nailikas na sa mas ligtas na lugar ang mga residenteng nakatira sa paligid ng bulkan bunga ng Patuloy na nasa ilalim ng alert level 3 ang bulkan at bawal pa rin na lumapit ang sinuman sa loob ng 6 na kilometrong permanent danger zone sa paligid ng bulkang Mayon.

ALBAY

BICOL

BULKAN

INULAT

MARIO

MAYON

PATULOY

PHILIPPINE VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

SINASABING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with