^

Police Metro

Utol pinagalitan ng kuya, nag-suicide

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marahil ay hindi matanggap ng isang lalaki ang pagsaway sa kanya ng nakakatandang kapatid nang pagalitan siya nito kung bakit pinayagan na uminom ng alak ang dalawang nakakabatang kapatid sa isang birthday party kaya’t nagsaksak sa sa­rili kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Ang biktima na nasawi sa pagamutan dahil sa saksak sa dibdib ay kinilalang si Richard Argulla, 23, ng C. Molina St., Veinte Reales, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi ay umuwing lasing ang biktima kasama ang dalawang nakakabatang kapatid ga­ling sa isang birthday party.

Sinita ng nakakatandang kapatid na si Rodi ang biktima at pinagalitan dahil sa pangungunsinti sa dalawang nakakabatang kapatid sa pag-inom ng alak.

Pumasok sa kanyang kuwarto ang biktima at nang lumabas ay may bitbit na umanong patalim. 

Naawat ito ng live-in partner nito na si Rubelyn Eleuterio at muling pumasok sa kanilang kuwarto at doon ay patuloy ang pagwawala hanggang sa saksakin ang sarili.

Isinugod sa pagamutan ang biktima ng mga kaanak, ngunit nalagutan rin ito ng hininga.

vuukle comment

BATAY

ISINUGOD

MARAHIL

MOLINA ST.

NAAWAT

RICHARD ARGULLA

RUBELYN ELEUTERIO

VALENZUELA CITY

VEINTE REALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with