^

Police Metro

Guro kulong sa pagmanyak ng mga estudyante

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 60-anyos na gurong lala­ki nang ireklamo ito ng kanyang mga estudyante ng sexual harassment sa Valenzuela City sa magkakahiwalay na insidente.

Ang suspek ay kinilalang si James Lynn, ng Chico St., Barangay  Balubaran  at isang  Mapeh teacher ng Malinta High School sa nabanggit na  lungsod.

Sa salaysay ng biktima na 13-anyos sa pulisya na noong Setyembre 8 ay  binigyan siya ng suspek ng singsing at tinawag na “Mahal” sa harap ng kanyang mga ka-eskuwela kung saan unang pinalabas ng suspek ang iba niyang estudyante sa kanilang PE room.

Nang ang biktima na lang ang natira at lalabas na rin sa kuwarto ay pinasok ng suspek ang kamay sa blouse sabay tanggal ng strap ng bra, subalit mabilis na nakatakbo  ito papalabas.

Nang pauwi na ang biktma ay sinigawan siya ng suspek na nasa gate na mag-ingat at nagbanta na muli pa silang magkikita.

Pagkauwi ng biktima sa bahay ay agad itong nagsumbong sa mga magulang na agad na nagtungo sa presinto at nagsampa ng reklamo  laban sa suspek na agad din naaresto.

Habang nasa presinto ang suspek,  isa pang estudyante ang nagreklamo at sinabing minsan ay pinatayo siya ng suspek upang mag-recite, subalit pag-upo ay nakasahod na ang kamay ng suspek at naupuan ng una.

Inamoy pa umano ng suspek ang kamay sabay sabi sa biktima na kung naghugas na ito.

Hinihintay pa ng mga pulis ang iba pang magrereklamong mga estudyante laban sa suspek.

 

vuukle comment

BALUBARAN

CHICO ST.

HABANG

JAMES LYNN

MALINTA HIGH SCHOOL

NANG

SUSPEK

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with