MANILA, Philippines - Sa pagharap kahapon sa Senado ni Marcial Lichauco Jr., pangulo ng 911 Alarm ay ibinunyag nito na sadya siyang ikinulong sa elevator ng Makati City Hall noong 2007 ng isang oras para hindi makasali sa umano’y nilutong bidding para sa fire fighting at rescue equipment.
Bagama’t nakaabot kay Vice President Jejomar Binay ang insidente ay wala umano itong ginawa para ipatigil ang nilutong bidding kahit na alam na nito na may anomalyang nangyari.?
Sa naging pahayag ni Lichauco ay pinatotohanan nito ang naunang testimonya ni Engr. Mario Hechanova na sadya siyang ikinulong sa elevator ng Makati City Hall para hindi umabot sa itinakdang oras ng bidding para sa fire-fighting at rescue equipment noong Mayo 15, 2007.?
Sa testimonya kamakailan ni Hechanova, dating Vice Chairman ng Makati Bid and Awards Committee (BAC) na sinadya ang pagkulong kay Lichauco dahil may kontraktor nang napili ang pamilya Binay para sa nasabing proyekto.