^

Police Metro

NPA humirit ng 10 araw tigil-putukan, ibinasura

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - “ We do not negotiate with the terrorist “.

Ito ang naging pahayag ni Lt. Col. Lennon Babilonia, Commander ng Army’s 8th Infantry Battalion (IB) matapos na ibasura nila ang hirit ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na 10 araw na tigil putukan kapalit ng pagpapalaya sa dalawang sundalo na binihag ng mga ito sa Bukidnon noong Agosto 22.

Kabilang sa mga bihag ng mga rebelde ay sina Privates Marnel Clinches at Jerrel Yorong; pawang mga tauhan ni Babilonia na kabilang sa peace and development team na unang napaulat na nawawala hanggang sa akuin ng mga rebelde sa ilalim ng NPA Northern Mindanao Command na bihag nila ang mga ito. Sina Clinches at Yorong ay dinukot ng mga rebeldeng NPA matapos ang mga itong harangin habang nakasibilyan at lulan ng motorsiklo noong Agosto 22 sa Brgy. Bontongon, Impasug-ong, Bukidnon.

Sa kalatas na ipinakalat ni Allan Juanito, spokesman ng NPA Northern Mindanao Command humirit ang grupo nito ng 10 araw na tigil putukan mula hatinggabi ng Setyembre 10 hanggang hatinggabi ng Setyembre 20 upang bigyang daan ang pagpapalaya sa dalawang Prisoners of War (POWs) na sundalo.

Kabilang sa mga lugar na iginiit ng mga rebelde na  ipatupad ang ceasefire ay sa mga bayan ng San Fernando, Cabanglasan, Malaybalay City, Impasug-ong, Manolo Fortich at Malitbog sa lalawigan ng Bukidnon; gayundin sa  Claveria, Balingasag at Gingoog City sa Misamis Oriental.

Tinugon naman ito ni AFP Eastern Mindanao Command Chief Major Gen. Aurelio Baladad ng patuloy na pursuit operations laban sa mga rebeldeng bumihag sa dalawang sundalo.

AGOSTO

ALLAN JUANITO

AURELIO BALADAD

BUKIDNON

EASTERN MINDANAO COMMAND CHIEF MAJOR GEN

GINGOOG CITY

IMPASUG

INFANTRY BATTALION

NORTHERN MINDANAO COMMAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with