AFP tigil muna sa pagpapadala ng peacekeepers sa Liberia

MANILA, Philippines - Pansamantalang ititigil muna ng Armed Forces of the Philip­pines (AFP) ang pag­papadala ng mga peacekeepers sa bansang Li­beria na kabilang sa dumaranas ng matin­ding outbreak ng nakamamatay na sakit na Ebola virus.

Sinabi ni AFP Spokesman Major Domingo Tutaan Jr., hangga’t hindi Ebola free ang nasabing bansa ay hindi muna magpapadala ang AFP ng mga peacekeepers doon.

Ang Liberia ay kabilang sa tatlong bansa sa West Africa na tinamaan ng Ebola virus outbreak kung saan nasa mahigit 2,000 katao na ang nasasawi. Ang dalawang iba pa ay ang Sierra Leone at Guinea.

Nasa 115 ang AFP peacekeepers sa Liberia na nagtapos na ng tour of duty sa nasabing bansa nitong nakalipas na Agosto.

Show comments