NPA lider, 6 tauhan napatay
MANILA, Philippines - Napatay ng tropa ng Philippine Army ang pitong rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang lider sa naganap na sagupaan kahapon ng umaga sa Brgy.Guinguinabang, Lacub, Abra.
Kinilala ang napatay na lider ng NPA na si Arnold Jaramillo alyas Ka Mando, secretary ng Abra Political Committee na positibong natukoy sa mga rebeldeng nasa order of battle ng AFP.
Sa ulat ni Major Emmanuel Garcia, chief ng 1st Civil Military Operations Group ng AFP-Northern Luzon Command na bandang alas-5:40 ng umaga nang magkaengkuwentro ng tropa ng Army’s 41st Infantry Battalion (IB) ang hindi pa madeterminang bilang ng mga rebelde.
Agad nagkaroon ng mainitang palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at ng mga rebelde na tumagal ng 20 minuto bago mabilis na nagsitakas ang mga kalaban na inabandona ang bangkay ng nasawi nilang pinuno at apat pang kasamahan.
Wala namang nasugatan sa panig ng tropa ng mga sundalo habang nakarekober din sa lugar ang sampungmatataas na kalibre ng rifles na gamit ng mga rebelde.
Ayon sa Army’s 5th Infantry Division (ID) na nagresponde ang mga sundalong nagsasagawa ng security operations matapos i-report ng mga sibilyan ang pangha-harass ng mga armadong rebelde na nangongotong ng mga alagang hayop at pera sa mga residente dito.
Magugunita na noong Marso ng taong ito ay dinukot ng mga rebelde at pinaslang ang mag-aamang sina Licuben Ligiw, 68 at mga anak nitong sina Eddie, 35 at Freddie, 30, na ang bangkay ay natagpuan sa Brgy.Dominglay, Licuan-Baay ng lalawigan.
- Latest