MANILA, Philippines - Libre sa buwis ang mas mataas na ceiling ng 13th month pay at Christmas bonus.
Ito ang inihayag ni Marikina Rep. Miro Quimbo, chairman ng House Ways and Means Committee matapos aprubahan nila ang P70,000 ceiling ng bonus na libre sa buwis mula sa kasalukuyang P30,000.
Aabutin ng P1.5 bilyon piso ang mawawalang kita sa gobyerno, subalit mababawi naman ito ng Value Added Tax(VAT) na kikitaan ng pamahalaan dahil mas maraming bibilhin ang publiko.
Tiwala naman si Quimbo na maisasalang na sa plenaryo ang nasabing panukala sa susunod na tatlong linggo para sa second reading at tuluyang maipasa hanggang Disyembre upang maipatupad na sa susunod na linggo.