Oil firms nagtaas ng presyo

MANILA, Philippines – Mistulang binawi ng tatlong dambuhalang kumpanya ng langis ang kanilang pitong beses na rolbak sa nakalipas na buwan nang magpatupad ito ng taas-presyo ng kanilang produkto kahapon ng umaga.

Pinangunahan ng Pet­ron Corporation, Pilipinas Shell at Chevron Philippines, ang pagtaas ng P0.65 kada litro sa gasolina, P0.25 sa diesel habang P0.15 naman sa kerosene.

Subalit, ibinaba naman ng Petron Corporation ang presyo ng kanilang Liquified Petroleum Gas (LPG), na nasa P0.70 kada kilo na katumbas ng P7.70 kada tangke na tumitimbang ng 11 kilogram na epektibo rin kahapon.

Tinapyasan din  ang halaga ng kanilang X-tend Auto LPG ng P0.39 kada litro. Nagtaas din ng kaparehong  halaga  ang Seaoil, Total Philippines at Phoenix Petroleum.

Ang dagdag presyo ay bunsod sa paggalaw ng presyo sa world  market. 

Show comments