Oil firms nagtaas ng presyo
MANILA, Philippines – Mistulang binawi ng tatlong dambuhalang kumpanya ng langis ang kanilang pitong beses na rolbak sa nakalipas na buwan nang magpatupad ito ng taas-presyo ng kanilang produkto kahapon ng umaga.
Pinangunahan ng Petron Corporation, Pilipinas Shell at Chevron Philippines, ang pagtaas ng P0.65 kada litro sa gasolina, P0.25 sa diesel habang P0.15 naman sa kerosene.
Subalit, ibinaba naman ng Petron Corporation ang presyo ng kanilang Liquified Petroleum Gas (LPG), na nasa P0.70 kada kilo na katumbas ng P7.70 kada tangke na tumitimbang ng 11 kilogram na epektibo rin kahapon.
Tinapyasan din ang halaga ng kanilang X-tend Auto LPG ng P0.39 kada litro. Nagtaas din ng kaparehong halaga ang Seaoil, Total Philippines at Phoenix Petroleum.
Ang dagdag presyo ay bunsod sa paggalaw ng presyo sa world market.
- Latest