MANILA, Philippines – Dinakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang mag-asawa at isa nilang anak sa isinagawang buy-bust operation sa Iloilo City.
Kinilala ang mga suspek na sina Mario Canlas Sr., 61, misis na si Leonida, 58; at anak na si Leomar, 21, kapwa residente sa Zone 2, San Juan, Molo, Iloilo City.
Batay sa ulat, bago nangyari ang pag-aresto sa mga suspek sa nasabing lugar ay isang ahente ng PDEA ang nagpanggap na poseur buyer at nakipag-transaksyon kay Leomar para sa pagbili ng droga at isang alyas Jessica na kapitbahay nito nakagawang makabili.
Kinausap ni Leomar ang poseur buyer na PDEA agent na gumamit ng shabu sa kanilang bahay, malapit sa bahay ni Jessica.
Pagpunta ng poseur buyer sa bahay ng pamilya Canlas ay naabutan nito ang tatlo sa aktong gumagamit ng shabu.
Ibinigay na ng poseur buyer na PDEA agent ang hudyat ng pagsalakay dahilan para madakip ang pamilya Canlas.