MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na idadaan lamang ng Kongreso sa technicalities ang impeachment complaint para hindi ito umusad at tuluyang magkaroon ng immunity ang Pangulong Aquino sa anumang ihahain na impeachment laban sa kanya.
Kaya naman ay hinamon ni Bishop Pabillo ang administrasyong Aquino na harapin ng parehas ang impeachment complaint at huwag nitong gamitin o brasuhin ang mga kaalyadong mambabatas na pigilan ang pag-usad ng reklamo at ideklarang “insufficient in form”.