MANILA, Philippines - Ipinababalik ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa Port of Manila ang 16 kontaminadong containers van na naglalaman ng hindi matukoy na kargamento na pinagmumulan ng nakakasulasok na amoy.
Sinabi ni SBMA Chairman Roberto Garcia na ang mga container van ay kabilang sa 721 containers na dumating sa New Container Terminal 2 ng Subic Freeport sakay ng M/V Asterix mula Maynila noong Biyernes ng umaga.
Makaraang makatanggap ng mga report na ilan sa mga container ay naglalabas ng napakabahong amoy at tinatagasan ng maruming tubig.
Hiniling ng SBMA sa pangasiwaan ng Manila International Container Port (MCIP) na kunin at ibalik sa Maynila ang mga container van upang hindi ito makapagdulot ng anumang problema sa kalusugan at kalikasan ng Subic Bay.