MANILA, Philippines - Nakapasok na sa Philiipine Area of Responsibility (PAR) ang dalawang low pressure area o namumuong sama ng panahon na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nagpapaulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sa ulat ng weather bureau, ang isang LPA ay nasa layong 530 kilometro sa kanlurang bahagi ng Ambulong, Batangas na magdadala ng katamtamang pag-ulan at pagkulog sa buong Palawan at Western Visayas.
Habang ang isa pang LPA ay namataan sa layong 1,450 km sa silangang bahagi ng Mindanao. Magdadala ito ng bahagya at katamtamang pag-ulan at pagkulog sa buong rehiyon ng Caraga, Davao at Northern Mindanao.
Kaya naman pinaaalalahanan ng ahensiya ang mga residente at local disaster risk reduction management councils sa mga naturang lugar na maging alerto at gawin ang nararapat na kahandaan at imonitor ang anumang updates sa mga naturang sama ng panahon.