Nene ginahasa sa evacuation center

MANILA, Philippines - Isang 7 anyos na batang babae ang ginahasa ng isang 16-anyos na binatilyo sa banyo ng evacuation center sa Zamboanga City kamakalawa.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon naganap ang panggagahasa sa banyo ng evacuation center sa may grandstand ng Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex sa lungsod.

Sinamahan ang biktima na itinago sa pa­ngalang Lyka ng kanyang ina, 29-anyos para magharap ng reklamo sa pulisya laban sa suspek na itinago sa pangalang Abdul, 16.

Sa imbestigasyon, narinig ng isang Ricky Amisali, protection vo­lunteer sa nasabing eva­cuation center sa grandstand ang pag-iyak ng batang babae sa loob ng comfort room.

Pinuntahan niya ito para alamin bakit may umiiyak na bata sa banyo at laking gulat nito ng maaktuhang ginagahasa ng suspek ang biktima.

Sa kasalukuyan ay libu-libo pang eva­cuees ang nasa nasabing evacuation sites matapos maapektuhan ng siege ng Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Mi­suari faction na kumitil ng mahigit 200 buhay noong nakalipas na Setyembre 2013.

Show comments