Kelot pumalag sa aresto, utas

MANILA, Philippines - Nasawi noon din ang isang lalaki matapos itong makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sa kanya dahil sa pagsusugal ng cara y cruz kahapon ng umaga sa Novaliches, Quezon City.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Roy Adol­fo, 26, ng Luisito St., Brgy. Gulod, Novaliches, QC.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout sa Tatlong Hari St., Sitio Aguardente ay nakatanggap ng tawag mula sa concern citizens ang mga tauhan ng QCPD-Station 4, Novaliches tungkol sa apat na lalaki na naglalaro ng cara y cruz na may nakasukbit na baril sa kanilang mga bewang.

Rumesponde sa lugar ang mga pulis at sinita ang mga lalaki, subalit sa halip na sumuko ay  bumunot ng baril ang mga ito at pinaputukan ang mga pulis. 

Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng isa sa mga suspek habang nakatakas naman ang tatlo nitong kasama.

 

Show comments