Dadalaw sa bilangguan naaresto sa shabu
MANILA, Philippines - Hindi nakaligtas sa mga otoridad ang shabu na inilagay ng isang 28 anyos na babae sa kanyang suot na bra nang dalawin nito ang isang nakakulong na dating pulis na babae na kanyang kaibigan sa Manila Police District–Integrated Jail kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ni PO3 Thelma Samodio, ng MPD-Womens and Childrens Protection section, dakong alas-5:15 ng hapon nang maaresto si Ma. Lavina Torres, ng 2141 Int., 3 Jesus St., Pandacan, Maynila.
Bago ito dadalawin sana ni Torres ang kanyang kaibigan na si SPO1 Lovely Bacani, isang dating pulis-Maynila.
Bago papasukin ay kinapkapan muna si Torres at nakuha sa kanya ang isang plastic sachet ng shabu sa loob ng kanyang bra.
Ininguso naman nito na si Bacani ang siyang nag-utos na bumili ng shabu.
Si Bacani ay naunang inaresto at ikinulong makaraang maaresto ng MPD-Anti Carnapping Unit nang nasangkot sa carnapping at droga.
Mukhang minalas naman si Torres dahil ang dadalawin niyang si SPO1 Bacani ay nakalaya na noong pang Sabado makaraang nakapagpiyansa.
- Latest