Obrero binoga sa maling sagot

MANILA, Philippines - Dahil sa walang nakuhang sagot sa tanong ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ay  binoga ang isang construction worker kamakalawa sa Caloocan City.

Nasa kritikal na kondisyon sa  East Avenue Medical Center dahil sa tama ng bala sa may kili-kili ang biktimang si Tirso Mendez, 43-anyos, ng Administration Site, Tala, ng naturang lungsod.

Nakilala ang isa sa mga suspek na si alyas “JR” habang inaalam ang pagkakakilanlan ng kasamahan nito.

Batay sa ulat, dakong alas-3:40 ng madaling-araw ay naglalakad sa eskinita sa St. Teresa ang biktima nang harangin ng dalawang salarin na nakasakay sa hindi naplakahang motorsiklo.

Tinanong ng mga salarin ang biktima kung saan makikita ang isang alyas “Yoyong” na sinagot ng biktima na hindi niya ito kakilala.

Nang muling tanungin ay hindi na sumagot ang biktima kaya naasar ang mga salarin at binaril si Mendez bago tumakas.  

Show comments