Rider tinakasan ang police checkpoint, napatay
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang suspek matapos mabaril ng pulis nang takasan nito ang police checkpoint kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Ang suspek na nakilala sa pamamagitan ng kanyang driver license ay si Christian Osian, 29, ng Tondo Maynila.
Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa may kahabaan ng Aurora Blvd., kanto ng Lintang St., nasabing barangay ay naglatag ng checkpoint ang PS10 sa lugar.
Dito ay dumating ang suspek sakay ng isang Yamaha Mio motorcycle at sa halip na huminto ay umiwas ito at humarurot palayo at nabundol nito si PO1 Michael Formento.
Sa pagkakabangga sa pulis ay sumadsad ang motorsiklo dahilan para lapitan ito ng mga otoridad.
Subalit, hindi pa nakakalapit ang mga otoridad ay tumayo ang suspek at nagbunot ng baril at akmang papaputukan ang mga una.
Kaya naman nagbunot ng baril si PO1 Formento at binaril ang suspek at nang tamaan ay agad isinugod sa East Avenue Medical Center, subalit idineklarang dead-on-arrival.
- Latest