MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 61-anyos na lola matapos itong masalpok ng isang van habang tumatawid sa Commonwealth Avenue, na tinaguriang killer highway kahapon.
Ang nasawi ay kinilalang si Marlene Dagsaan, 61, ng #41 1st Ave., Duplex Compound, Champaca, Fortune, Marikina City.
Nadakip agad ang driver ng Isuzu Elf van (WMZ-627) na si Virgilio Acson.
Sa ulat, dakong alas-12:15 ng tanghali ay binabaybay ng van ang kahabaan ng Pearl St., Commonwealth Avenue nang biglang tumawid ang biktima.
Naalangan umano ang driver dahil sa nag-atras abante ito dahilan para malito si Acson at nabundol ito.
Ang suspek ay kakasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide.