^

Police Metro

3-buwang suspensyon sa truck ban sa Maynila aprub sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos lumabas sa pagdinig na truck ban ang dahilan ng port congestion sa Maynila na nakakaapek­to sa pagmahal ng mga bilihin, inaprubahan ng House Committee on Metro Manila Development ang resolusyong nagpapatigil sa truck ban sa loob ng tatlong buwan. Nagkaisa sina Manila Rep. Amado Bagatsing, ABAKADA Party-List Rep. Jonathan Dela Cruz, Buhay Party-list Rep. Lito Atienza at ANGKLA Party-list Rep. Jesulito Manalo para itulak ang naturang moratorium.
Nais din nila na alisin sa Port of Manila ang mahigit 12,000 container at ilipat sa Subic at Batangas Port.
Gayunman, sinabi ni Quezon City Rep. at House Metro Manila Development Committee Chairman Winston Castelo na nakadepende na sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) kung paano pasusunurin ang Manila government dito.

AMADO BAGATSING

BATANGAS PORT

BUHAY PARTY

HOUSE COMMITTEE

HOUSE METRO MANILA DEVELOPMENT COMMITTEE CHAIRMAN WINSTON CASTELO

JESULITO MANALO

JONATHAN DELA CRUZ

LITO ATIENZA

MANILA REP

METRO MANILA DEVELOPMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with