Lalaki na magpapahinga pinagbabaril ng 5 katao

MANILA, Philippines - Tuluyan nang nama­hinga ang isang 27-anyos na binata matapos na siya ay pagbabarilin ng limang lalaki na sakay ng tatlong motorsiklo sa kahabaan ng Unit 5, Batobato St., Barangay Commonwealth, Quezon City kahapon ng mada­ling-araw.

Ang nasawi ay kinila­lang si Ariel Bigonte, 27, jobless, ng Adarna St., Brgy. Commonwealth ng lungsod.

Nasugatan naman sina Rowena Encarnacion,44; Alejandro Encarnacion, 49; at Mary Grace Lorego, 44.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling-araw ay magpapahinga na sana sa kanyang bahay ang biktima nang dumating ang limang kalalakihan sakay ng tatlong motorsiklo na pawang nakasumbrero, nakaputing t-shirt at maong pants at kanilang pinagbabaril ang biktima na kung saan ang ibang bala ay tumama sa tatlong katao na naroon sa lugar.

Hindi pa batid ang motibo ng pamamaril kay Bigonte na siyang puntirya ng mga suspek at nadamay lamang ang iba.

 

Show comments