Lola natusta

MANILA, Philippines - Nakulong sa nasusunog nilang bahay ang isang  86-anyos na lola naganap kamakalawa ng gabi sa President Roxas, North Cotabato.

Sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi nang tu­pukin ng apoy ang bahay ng biktima na si Vic­toria Varona, biyuda sa Brgy. Lumunay sa nasabing lugar.

Nabatid na nag-iisa ang matanda nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay matapos na umalis ang anak nitong si Ricky Varona, 43  na nagtungo sa kanugnog na barangay.

Sa ulat, mahimbing na natutulog ang matanda ng mangyari ang insidente na tinangka pang iligtas, subalit masyado ng malaki ang apoy.

Hindi pa batid kung paano nagsimula ang sunog.

 

Show comments