MANILA, Philippines - “Iniwan niya ako ng walang dahilan at natuklasan ko na mayroon na pala siyang ibang minamahal”.
“Well to all my friends and family, thank you for all the support and guidance, I’m so sorry if I fail you guys for just a girl... Well thank you for all the support and everything. To my papa and mama, sorry if I fail you because of just one girl..., hindi man siya ang babaeng nararapat sa akin, sobra ko siyang mahal at hindi ko matatanggap kung iiwan niya ako”.
Ito ang iniwang suicide note ng biktimang si Ernie Antigua Jr., 25-anyos, call center agent at residente ng Quano St., Brgy. Looc, Mandaue City, Cebu.
Namatay noon din ang biktima matapos na malasog ang buto’t katawan nito.
Batay sa ulat, pasado alas-11:00 ng gabi nang tumalon umano ang biktima mula sa ika-12 palapag ng IT2 Building, IT Park ng lungsod.
Bago ito ay nakita pa ang biktima na umakyat sa roof deck ng nasabing gusali at laking gulat ng mga staff dito nang bigla na lamang itong tumalon.
Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga otoridad kung may nangyaring foul play.