^

Police Metro

Ombudsman kumilos na vs ‘overpriced’ building sa Makati

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatasan ng Tanggapan ng Ombudsman nitong nagdaang Ika-5 ng Agosto sina Makati Mayor Jejomar Erwin “Jun Jun” Binay at may 20 iba pa, na maghain ng kani-kanilang sagot sa mga paratang na grave abuse of autho­rity, grave misconduct at gross neglect of duty na isinampa laban sa kanila kamakailan.

Ang mga reklamo ay isinampa ng grupong United Makati Against Corruption (UMAC) sa pangunguna ni Attorney Renato Bondal na nagsabing pinatungan ng humigit kumulang sa 1.6 bilyong piso ang konstrukyon ng Makati City Parking Building simula noong alkalde pa si Vice-President Jejomar Binay hanggang sa maluklok ang anak nitong si Jun Jun.

Binigyan ng Tanggapan ng Ombudsman ng 10 araw pagka-tanggap sa kautusan ang mga sangkot sa kaso para magsumite ng kanilang counter-affidavit. Sa kanilang reklamo, sinabi ni Bondal na may 1.6 bilyong piso ang ginugol sa pagtatayo ng labing-isang palapag na gusali,

Nauna rito isiniwalat ng Commission on Audit (COA) na gumastos ang pamahalaan ng Makati City ng P2.7 bilyong piso para sa proyekto.

Ayon kay Bondal, dapat na 245 milyon at 558 daan libong piso at 248 piso lamang ang ginugol para sa gusali batay sa pagtaya ng National Statistics Office (NSO) ng tamang presyo ng konstruksyon noong panahong ginawa ang proyekto.

Nakatakdang mag­hain ng karagdagang reklamo si Bondal upang amyendahan ang naunang demanda na magpapakita ng kabuuang 2.7 bilyong piso na nagastos sa parking building sa darating na linggo.

Sa kabila nito, sinabi ni Makati City Resident Auditor Cecilia Caga-anan na matuwid lamang ang nagastos nina Binay na halaga sa gusali dahil kailangang tustusan ang pagpapatatag sa building dahil itinayo ito sa di ka-kagandahang klase ng lupa.

Pinabulaanan ito ni Bondal na nagsabing ang reglamento sa pagtatayo ng mga gusali sa syudad ay magkakahalintulad at walang dahilan para uma­bot sa 2.7 bilyong piso ang gastusin sa parking building.

Ani Bondal, iginigiit lamang ni Caga-anan ang dahilang ito para mapawalang sala siya sa mga paratang. Idinagdag ni Bondal na ang mga dokumentong hawak niya ay magpapatunay na minaniobra ng da­ting alkalde at ngayon ay Bise-Presidente Binay ang pondo para sa building para sa kanyang sarili at kasama sa mga kasapakat nito si Caga-anan.

ANI BONDAL

ATTORNEY RENATO BONDAL

BINAY

BISE-PRESIDENTE BINAY

BONDAL

CAGA

JUN JUN

MAKATI CITY

MAKATI CITY PARKING BUILDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with