MANILA, Philippines - Malaki ang paniwala ng otoridad na ang granadang sumabog na dala ng riding-in-tandem suspect ay gagamitin ng mga ito bilang panakot sa kanilang mga bibiktimahin na naganap bago umakyat ng Delpan Bridge, Maynila.
Ayon kay Manila Police Station 2 Delpan PCP chief, Sr. Insp. John Guiagui, na isang kulay asul na Mitsubishi Adventure ang sinusundan ng riding-in-tandem at pilit itinututok sa salamin ng sasakyan ang hawak nilang granada nang ito ay aksidenteng mabitawan ng backrider.
Nakaligtas ang mga suspek sa pagsabog, subalit tinamaan ang dumadaang motorsiklo na minamaneho ni Peter San Diego dahilan para tumaob ang motorsiklo at nabagsakan ito.