MANILA, Philippines - Ibinulgar ng Caritas Manila ang isang ulat na nagkakaroon ng pagbebenta ng laman ang mga kababaihan na nasa resettlement area kapalit ng pagkain o “sex for food”.
Hiniling ni Fr. Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila sa pamahalaan na agad kumilos laban “sex for food” sa mga lugar na pinaglipatan ng libu-libong pamilya.
Anya, isang immoral ang isyung “sex for food” dahil karapatan ng bawat tao na makakain kaya dapat lamang maipagkaloob ito ng gobyerno.
Ang sex for food ay pinapasok na ng mga naninirahan sa resettlement area sa Calauan, Laguna kapalit ang 100-150 pisong kita.
Nabatid na nasa 6,000 libo ng pamilya ang inilagay sa nasabing lugar ay biktima ng bagyong Ondoy, pag-aalis sa mga naninirahan sa waterways sa Paco, Estero de Malacañang, Pandacan, maging sa Dasmariñas City, Cavite at San Pedro, Laguna.