2 holdaper todas sa QC
MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang dalawang lalaki na umano ay holdaper nang makipagbarilan sa mga rumespondeng otoridad ilang minuto matapos na holdapin ang mga pasahero ng isang UV Express sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.
Naganap ang insidente, dakong alas-3:45 ng hapon sa may eastbound lane ng Quezon Avenue, kanto ng Tuayan St., matapos holdapin ang mga pasahero ng isang SUV Express.
Nilimas ang mga bag at gamit ng limang mga pasahero at bumaba ng van para tumakas.
Nakatanggap ng tawag ang pulisya kung kaya’t nirespondehan at dito ay nakita ng dalawang suspek ang mga una at pinaputukan.
Gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa masawi ang mga suspek na walang nakuha na pagkakilanlan.
- Latest