MANILA, Philippines - “This is to let everbody know that no one should blame may household for what I am personally doing to my daughter Joan Carabeo and me and that twice I attempted to commit suicide. And that they are not liable in one way or another”.
Ito ang iniwang suicide note ni Arsenia Carabeo, 63, biyuda, bago ito nagpakamatay matapos na unang patayin ang anak na si Joan, 35.
Sa imbestigasyon ni PO3 Erickson Isidro, naganap ang krimen dakong alas-12:55 ng madaling-araw sa bahay ng mag-ina sa no. 34 Oliveros Drive, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.
Sa salaysay ng kasambahay ng mga biktima na si Lydia Malaho, natutulog siya sa tabi ng mag-ina nang magising sa narinig na ungol ng mag-ina.
Nakita ni Malaho ang matandang Carabeo na may hawak ng patalim habang nakaupo sa may rocking chair, habang ang anak nito ay nakahiga at duguan.
Tinawag ni Malaho ang ibang kaanak at isinugod ang mag-ina sa Manila Central University Hospital, nasawi rin habang nilalapatan ng lunas.
Sa isinagawang eksaminasyon ay nakitaan si Arsenia ng malaking sugat sa leeg habang ang anak naman nito ay laslas ang leeg at may tatlong saksak sa dibdib.
Malaki ang hinala ng pulisya na kaya tinapos ng ina na may sakit na Parkinson disease ang buhay ng anak ay dahil sa may sakit itong cerebral palsy at ayaw na makita na naghihirap ito.
Nabatid din na ito na ang pangalawang pagkakataon na ginawa ng ina ang pagpatay sa anak at pagpapakamatay noong Enero 1, 2014, subalit naagapan lang ng kanyang pamilya.
Narekober sa crime scene ang isang kitchen knife na may habang 12 pulgada at isang suicide note.