MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni PNP Spokesman Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, na ligtas sa nakamamatay na Ebola virus ang nasa 30 miyembro at opisyal ng PNP peacekeeping force na nakadeploy sa bansang Liberia.
Inihayag din ni Sindac na sa kasalukuyan ay wala namang gagawing emergency pull out sa mga PNP peacekeeping contingents na nasabing bansa.
Pinayuhan na rin ang mga PNP contingents na magsagawa ng pag-iingat tulad ng pag-iwas sa mga taong nagtataglay ng Ebola virus, huwag magtungo sa mga komunidad na apektado ng karamdaman, paghuhugas ng kamay at iba pang precautionary measures.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 1,000 ang death toll sa mga bansa sa West Africa na apektado ng Ebola tulad ng Liberia, Sierra Leone at Guinea.