^

Police Metro

PNP peacekeepers sa Liberia, ligtas sa Ebola virus

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni PNP Spokesman Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, na ligtas sa nakamamatay na Ebola virus ang nasa 30 miyembro at opisyal ng PNP peacekeeping force na nakadeploy sa bansang Liberia.

Inihayag  din  ni Sindac na sa kasalukuyan  ay wala namang gagawing emergency pull out sa mga  PNP peacekeeping contingents na nasabing bansa.

Pinayuhan na rin ang mga PNP contingents na magsagawa ng pag-iingat  tulad ng pag-iwas sa mga taong nagtataglay ng Ebola virus, huwag magtungo sa mga komunidad na apektado ng karamdaman, paghuhugas ng kamay at iba pang precautionary measures.

Sa kasalukuyan, uma­abot na sa mahigit 1,000 ang death toll sa mga bansa sa West Africa na apektado ng Ebola tulad ng Liberia,  Sierra Leone at Guinea.

EBOLA

INIHAYAG

PINAYUHAN

REUBEN THEODORE SINDAC

SIERRA LEONE

SINDAC

SPOKESMAN CHIEF SUPT

WEST AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with