Misis minartilyo ng sadistang mister
MANILA, Philippines - Halos nabasag ang bungo ng isang misis nang hatawin ito ng martilyo ng kanyang sadistang mister na nagtangka ring magpakamatay naganap kamakalawa ng gabi sa Lupi, Camarines Sur.
Ang biktima ay kinilalang si Jocelyn Deocareza, 47-anyos, ng Brgy. Ramon, Lupi, Camarines Sur na nasawi sa internal hemorrhage at halos pagkabasag ng bungo.
Dinala naman sa Sipocot District Hospital ang suspek na si Armando Deocareza, 50-anyos, subalit inilipat din sa Bicol Medical Center sa tinamong saksak sa kaniyang tiyan.
Sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi ay narinig ng mga kapitbahay ang pag-aaway ng mag-asawa na hindi naman nila pinansin dahil sa pag-aakalang hindi hahantong sa krimen.
Ilang minuto ang nakalipas ay narinig ng mga kapitbahay ang malalakas na kalabugan sa loob ng bahay ng mag-asawa at nang kanilang silipin ay nakita nila ang suspek na minamartilyo ang ulo ng misis.
Nang bumulagta ang misis ay nagsaksak naman sa tiyan ang suspek.
Isinugod ng mga kapitbahay sa pagamutan ang mag-asawa, pero idineklarang dead on arrival ang misis.
- Latest