Ama nagpaalam sa anak na magpapakamatay

MANILA, Philippines - “Anak di ko na kaya ang mga sakit ko magpapakamatay na ko”.

Ito ang huling habilin ng amang si Angelito Cabias, 42 sa kanyang anak na si Al June, 17 bago ito natagpuang nakabigti makalipas ang dalawang oras.

Ayon kay Al June na hindi na makayanan ng ama ang sakit nitong TB.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang matuklasan ng anak na si Al June, ang pagbibigti ng ama na gumamit ng kordon ng rice cooker.

Nabatid din na bukod sa sakit na TB ay mayroon pa umanong fractured bones ang biktima sa kanyang  dibdib na lalong nagpatindi sa kanyang nararanasang sakit. 

Show comments