Bibili ng gasolina, itinumba

MANILA, Philippines - Namatay din ang isang 21-anyos na si Emilio Tandog, obrero, ng P-1, Purok 2, Lupang Pangako,Brgy.Payatas,Quezon City nang ito ay barilin sa ulo at katawan ng hindi nakikilalang salarin sa may Payatas Road kanto ng Hopes St., kahapon ng alas-3:45 ng madaling-araw.

Sa salaysay ng isang Mark Lester Lardizabal, kumpare ng biktima, nag-iinuman umano silang dalawa nang ilang sandali ay nagpaalam ito na bibili ng gasolina at makalipas ang ilang minuto ay nalaman na lang niya mula sa ilang kapitbahay na pinagbabaril ito.  

Show comments