MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang 28-anyos na Singaporean national matapos itong tumalon mula sa ika-22 palapag ng tinutuluyang condominium kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.
Lasog ang katawan ng biktima na kinilalang si Quiao Sheng Zhang, branch manager ng Trinco Inc.-BPO Company na matatagpuan sa Makati City at residente sa Room 22-D, Crescent Park Residences Condominium sa 30th St., kanto ng 2nd Avenue, Bonifacio Global City (BGC) ng lungsod.
Sa ulat na nakarating kay P/Sr. Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police, bago nangyari ang insidente dakong alas-4:29 ng madaling-araw ay tumawag pa umano ang biktima sa ilang kaibigan ay nagpaalam na magpapakamatay ito at sabihin na lang sa kanyang mga magulang ang kanyang sinapit.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo ng pagpapatiwakal ng biktima.
Samantala, isang 36-anyos na babae ang tumalon naman mula sa 20 talampakang taas ng Marcelo Fernan Bridge sa Cebu City kahapon.
Kinilala ang biktima na si Angeline Dimpas, dalaga at residente ng Zone Sibuyas, Brgy. Paknaan sa lungsod ng Mandaue.
Sa ulat, bago nangyari ang pagtalon ng biktima dakong alas-2:00 ng hapon sa nasabing tulay ay nakita pa ito ng isang lalaki na umakyat dakong alas-1:57 ng hapon at ilang sandali lamang ay tumalon ito.
Nagresponde ang Emergency Rescue Unit Foundation at iniahon si Dimpas na nakasuot na lamang ng pantalon at walang suot na blouse na pang-itaas at idineklara itong dead on arrival sa Mandaue City District Hospital.
Sa pahayag naman ng pamilya ng biktima, may nervous breakdown umano ito at hindi ito ang unang pagkakataon na tinangka nitong mag-suicide.