Deniece, Reyes at Napoles magkakakosa na… Cedric Lee sa Camp Bagong Diwa na!
MANILA, Philippines - Sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City bumagsak si Cedric Lee at isa pang akusado matapos ibasura ng korte ang kahilingan ng mga ito na huwag silang ilipat ng kulungan o manatili sila sa pasilidad ng National Bureau of Investigation Division (NBI).
Sa pahayag ni BJMP spokesperson Inspector Aris Villaester, ala-1:30 kahapon ng hapon nang dumating sa Camp Bagong Diwa ang convoy ng NBI at inihatid nila si Lee kasama ang isa pang akusado na si Simeon Raz.??
Bilang bahagi ng proseso, muling kinunan ng mugshot, finger prints at medical records sina Lee at Raz.??
Aniya, isang linggong mananatili sina Lee at Raz sa isolation room bago ilipat sa regular na kulungan at makakasama ang mga pangkarinawang bilanggo.?
Sina Lee at Raz ay kapwa akusado sa kasong serious illegal detention at grave coercion na isinampa sa kanila ng TV host/actor Vhong Navarro matapos nilang gulpihin ito noong Enero 22 ng taong kasalukuyan sa condo unit ni Deniece Cornejo, na matatagpuan sa Bonifacio Global City, Taguig City.??
Makakasama na rin nina Atty. Gigi Reyes at Janet Lim Napoles si Cornejo dahil kasamang ibinasura ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 271 ang apela ni Cornejo sa parehong mga kaso, para makapanatili sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) facility sa Camp Crame.
Kung kaya’t anumang oras ay inaasahang ililipat na rin si Cornejo sa kulungan ng BJMP sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
- Latest