^

Police Metro

Ex-AFP chief kay Trillanes: DAP ipaliwanag, tsismis sa kudeta tigilan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilarawan ni dating AFP Chief of Staff ret.General Hermogenes Esperon Jr., si Senador Antonio Trillanes IV bilang “The boy who cried ­­wolf!” ­­matapos palutangin nito ang umano’y namumuong kudeta laban sa admi­nistrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Hinamon ni Esperon si Trillanes na sa halip umanong magpakalat ng tsismis sa walang katotohanan o kuryenteng  coup plot laban kay P-Noy ay mas makabubuting ipaliwanag na lamang nito  at ng mga kasamahan sa Senado ang kanilang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Magugunita na kamakalawa ay sinabi ni Trillanes na may namumuong kudeta laban sa gobyerno ni P-Noy na pamumunuan umano ng mga dating heneral  ng AFP na naging malapit kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Sinabi ni Esperon na wala siyang nakikitang dahilan  para maglunsad ng kudeta ang mga aktibo at maging ang mga retiradong sundalo dahil ang pa­ngunahing misyon ng mga ito ay ang ipagtanggol ang Konstitusyon.

Kinuwestiyon din nito ang kredibilidad ni Trillanes para magsalita sa tsismis na kudeta dahil kung tutuusin ay ito pa ang namuno sa Magdalo Group o sa bigong coup de etat matapos na okupahin ng grupo ang Oakwood Hotel sa Makati City noong Hulyo 2003.

CHIEF OF STAFF

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

ESPERON

MAGDALO GROUP

MAKATI CITY

OAKWOOD HOTEL

P-NOY

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with