MANILA, Philippines - Nagpalabas na ng listahan ang Social Security System (SSS) sa mga lugar na maaaring pagmulan ng mga miyembro na bibigyan ng relief package para sa calamity loans na nabiktima ng bagyong Glenda kamakailan.
Ang mga maaaring mag-aplay para sa calamity loans ay ang mga miyembro na naninirahan mula sa mga binagyong lugar sa Obando, Bulacan, Ibaan, Batangas, Cavite, Malvar, Batangas, Laguna, Batangas City, Rizal, Quezon Province, Taal, Batangas at Albay.
Gayundin ang mga nakatira sa Cuenca, Batangas, Camarines Sur, Sta. Teresita, Batangas, Tigaon, Camarines Sur, Laurel, Batangas, Bula, Camarines Sur, Lemery, Batangas, Naga City, San Nicolas, Batangas, Samar, Padre Garcia, Batangas at Muntinlupa City.
Simula sa Agosto 1, 2014 ay tatanggap na ng aplikasyon ang ahensiya para sa calamity loans.