Number coding suspendido ngayon

MANILA, Philippines - Ipinatupad ngayon ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang number coding  sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila  dulot na rin sa paggunita ng  Eid’l Fiter na ideklaradong holiday.

Kaya’t ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 3 at 4 ay maaaring bumiyahe sa mga panguna­hing lansangan sa Metro Manila.

Sa ilalim ng number coding scheme, ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa  1 at  2 ay bawal bumiyahe sa araw ng Lunes;  3 at 4 sa araw ng Martes; 5 at 6 sa araw ng Miyerkules ; 7 at 8 sa Huwebes at 9 at 0 sa araw ng Biyernes.

 

Show comments