MANILA, Philippines - Nagmistulang regalo ng mga oil firms kay Pangulong Arroyo ang pagbaba nila ng presyo ng kanilang produkto na itinapat sa State Of the Nation Address (SONA) kahapon.
Pinangunahan ng Petron Corporation at Pilipinas Shell ang pagbaba ng P1.20 kada litro ang gasolina, P0.25 sa diesel habang P0.20 naman kada litro sa kerosene na epektibo kaninang alas-12:01 ng madaling araw.
Bandang alas-6:00 kahapon ng umaga ay nagpatupad din ang Phoenix Petroleum ng rollback na kahalintulad ding na halaga.
Habang ang iba pang kumpanya ng langis ay hindi pa nag-aabiso ng pagbawas ng presyo ng kanilang mga produkto at inaasahang susunod na rin ang mga ito.